It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012 Book Pdf ePub

It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012

by
4.071,627 votes • 116 reviews
Published 19 Mar 2012
It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012.pdf
Format Mass Market Paperback
Pages231
Edition3
Publisher Visprint, Inc.
ISBN 9710545124
ISBN139789710545234
Languagefil



Noong bata pa si Intoy, problema niya lang kapag may nakikialam sa kanyang pag-iisa. Noong elementary, kung kanino pa siya makapanghihiram ng komiks, at kung paano niya imamasaker ang mga langgam sa bakuran nila. Noong high school, problema niya kung paano ibuod ang bawat kabanata ng Noli at Fili nang hindi magagalit ang mga teacher niya kasi nagdaragdag siya ng kwento; at ang relasyon ng coordinates, Cartesian plane at chemical bonding. At noong college, kung paano mapapagpasensyahan ang mga prof niya, mapagkasya ang baon, at ang pagbili ng secondhand books. Saka si Jen—ang pinakamasaya't pinakamaganda niyang pinroblema.
Ngayon: kaligayahan, katahimikan, trabaho, kaopisina, boss niya, boss ng boss niya, si Tina, at syempre si Jen at... sige na nga, world peace.
Quiz:
Get 1/4 sheet of pad paper. Pangatwiran kung alin ang di dapat kasama sa mga nasa sumusunod: Atlantis, Lemuria, Alien, Benson, Global Warming, End of the World, 2012, Hen, Tina at Into.
Isulat ang sahot sa likod ng isinauling sulating pormal. Lakipan ng papel ng shawarma. Ihulog sa tambyolo sa pinakamalapit na tinadahan. Ang mapalad na mabubunot, gagawing official representative ng planet Earth para sa Search for Ideal Intergalactic Personality.

"It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012" Reviews

Jayvie
- Taguig City, Philippines
4
Mon, 14 May 2012

Sakto - Solve na solve!
Sumakit ang ulo ko(sa kunsumisyon), puso ko(sa drama), puson ko(sa kakatawa), at isa pang ulo(sa init ng mga tagpo) . Pukang ama, anak ng bakang bakla talaga. Para akong nanuod ng pelikula ni Gwen Garci (uncut). Ipapag-pray over ko talaga si Eros. Kung anu anu naiisip. Parang si KID.
Astig ka K.I.D (Karl/Intoy/Dude). Nakadali ka na naman.
Napakagandang sequel. Yung nga lang mukang required basahin ang pre-requisite nitong libro - 'Ligo na U, Lapit na Me' . Dapat kasing malaman mo muna ang kwento ni Intoy at Jen. Para maunawaan mo kung bakit walang Facebook si Jen, kung bakit naging tubig ang kape, at kung anu ang lihim ni John Lennon.
Kung ikukumpara sa Ligo na U, nag-improved si Mr.Eros Atalia. Mas maganda na ang daloy ng kwento ngayon. Mas detalyado ang paglalarawan sa mga karakter, mas detalyado ang pagsasalaysay sa mga pangyayari lalo na sa paborito kong bed scenes. Mas mainit, mapusok, at nakakadala ng bugso ng damdamin ang mga salita at deskripsyon. Mapapansin din na konti na lang ang mga pa-segue o ang mga pahapyaw na diskusyon sa mga kung anik-anik. Pero hindi na masyado sa lipunan nakasentro ang mga patutsada, tinira na rin pati relihiyon at ibang paniniwala. Nakakalibang basahin, pag nasimulan mo na, hindi mo mamamalayan tapos na pala. Hindi kasi ganoon kakomplikado ang paraan nya ng pagkukwento.
Speaking of kwento, maganda ang naging simula, nagkatrabaho si Intoy, ang mang-uto ng mamamayan.Nakilala niya si Tina ang boss niya, at hindi ko na itutuloy baka sabihin mo spoiler na. Sabihin na lang natin na kwento ito na nagkukumpara sa taong mahal mo at sa taong gusto mo. Anu nga ba ang mas matimbang ? Yung mahal mo o yung ginusto mong mahalin. Anu man ang sagot, hindi na mahalaga. Lalo na kung hindi naman ikaw ang mahal nila. Tama?
Bakit nga ba hindi pa sasakupin ng Aliens ang daigdig sa 2012? Simple lang madidisappoint lang kasi sila. Parang pagbabasa lang yan ng libro ni Eros, madisappoint ka man , atleast nag-enjoy ka.

Clare
- Philippines
3
Tue, 30 Oct 2012

Mas masaklap pa nangyari kay Intoy kesa sakin a? Parang its complicated. Hehe! Ewan ko para inexpect ko na may ganung mga mangyayari. For the nth time, bigo na naman si Karl Intoy Dude. Ewan. Bat pati ako affected? Haha! Para rin kasing nangyari sakin yung ganun eh. Well ganun talaga.

Tays
4
Thu, 28 Jan 2016

Okay, thing is - for a sequel to Ligo Na U, Lapit Na Me, which for the record was a good book already. I have to say that this one came up a little better than I expected it to be. Not that I'm saying I expected less, they're actually both equally brilliant books but the way the story progressed on this one was more interesting for me.
Intoy is such a great character and the way Eros S. Atalia writes his story makes him a little more captivating. The depth and growth of the said character was appealing to me and however his story went down, however lonely and sad it came to be, it's the thought of having all these weird and odd ideas to himself that makes him so loveable. I can't really tell you how it went down to avoid spoiling the fun for you right? All I can say is that, you'll learn to love his character and a few bit side characters like Benson.
This book picks up on where the first book ended and from there, it moves gradually into a more complex and intricate plot. Which speaks a lot for Atalia's writing style really, I'm pretty sure it's quite hard to keep your reader absorbed to your material and Eros did it magnificently. Everytime I get to reading bits and pieces of this book, it nudges my interest and makes me want to read it more just to see where it goes from there. The imagery and detail to every little emotion and scene that Eros wants you to feel and see, you could actually feel and see. The few bits of humour and satirical quips about something that's a bit of a sensitive matter like politics and religion were well placed. I would say it's actually very consistent to the first book, the writing style I mean. It's quite a good read really and I always appreciate good reads.
Bottomline, it's a book that's fairly good and with a little bunch of typos from here and there. Which is actually normal if you think about it. HAHAHA. Learn to see past that, and focus more on the storyline and what it actually wants to tell you, you'll like it. I did. ;)

Lest
- Philippines
3
Sat, 16 Jun 2012

Pagkatapos kong mabasa tong book na to, ang masasabi ko ay.. "Ayos!"
Ang pinaka natawa ko ay nung sa part na banat ni Intoy kay Tina nung sinabi nyang "sabi dito sa horoscope nyo ma'am".. Hehehe... Tamang pahiya lang si Tina...
Tama nga naman si Eros, di natin klngan ng ending kasi di naman tumitigil ang kwento buhay, nagiiba-iba lang ng tema. Sumilip lang tau sa isang bahagi ng buhay nina Intoy at Jen dun sa unang book, and dito sa pangalawa may kasama pang bonus... si Tina...
Ang importante sa pagbabasa natin ng librong ito ay kung ano ba ang natutunan natin. Oo nakakatawa ung mga banat ni Intoy kasi kakaiba.... Mapapasabi ka ng 'oo nga naman'... Pero ngaung iniisip ko kung ano ba ung pinaka magandang aral na napulot ko... parang wala pa kong maisip o maalala... Klngan ko pa atang basahin ulet para makapiga ng gintong aral...
Pero sa aspeto ng entertainment/libangan, para sakin ok tong book na to... Kung gusto nyong magbasa ng comedy kesa manood sa tv, pasok tong book na to sa banga...

Ezekiel
- Philippines
3
Thu, 27 Sep 2012

Matapang at walang boundaries.
Marahil makukumpara ko ito ng bahagya sa Fifty Shades of Grey, kaso tagalog version. Siguro maganda ito na indie film kase karamihan na rin naman ng indie film ng Pinoy kelangan laging me sex sa usapan.
But nevertheless, hindi ako nadisappoint ni Eros. I had good hearty laughs and approving nods sa mga pinagsasabi nya dito. Actually, mas naenjoy ko yung mga snippets ng wisdom na binahagi nya kesa sa story.
Nirerecommend ko 'tong basahin ng mga taong nagdadalawang isip kung gusto nilang basahin itong librong ito. Gow Sagow na agad. It's a satisfying quick read.

Z
- Baguio, A4, Philippines
3
Thu, 03 Oct 2013

Okay na din.
Maraming typo.
Nakakairita yung 'pukang ama'. Paulit-ulit.
Maraming pwedeng tanggalin na parte na hindi makaka-apekto sa kabuuang kwento ng libro. Maraming erotic scenes. Pero anong ieexpect mo kung ang pangalan ng author e Eros?
At higit sa lahat, ayoko nung twist. Nainlove ata ako kay Tina. <*hikbi*>
May nagsabing basura daw ang librong 'to. Pero walang librong basura. Manunulat din ako; mahirap magsulat. Mahirap mag-isip ng isusulat. Mahirap maglabas ng bayag para makasulat at magbenta sa publishing house. Ang madali ay ang manghusga sa kung trip mo ang libro o hindi. May natutunan ba o wala. Madali ding sabihin na basura ang pinaghirapan ng iba.
Ganoon din kadaling maging kritiko.
Pero mukhang mahirap tumuntong sa sapatos ng iba.

Smiliar Books of "It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012"